Photo2408

Isa ang Pilipinas sa mga bansang napakayaman sa natural resources. Isa dun ang Pilipinas sa pinakamabilis na pagkaubos ng flora at fauna dulot nitong tuloy-tuloy na pagkasira ng ating kagubatan.Sa pangkalahatan, ang naging pinsala sa ating kalikasan ay buhat sa walang humpay na pagmimina. Napakarami nang ilog at kagubatan ang namamatay malapit sa mga lugar ng pinagmiminahan. Ang ating mga mahihirap na mamamayan ay hirap na hirap na sa pagpasan ng problema dulot nitong walang katapusang pagmimina sa ibat-ibang lugar. Buhay ng tao maging ang kanilang kabuhayan ay naging apektado sa tuwing may darating na bagyo. Nitong mga nagdaang araw lamang ay pumasok sa area of responsibility ng Mindanao ang bagyong “Pablo” na naging resulta sa kamatayan ng mahigit apat na daang katao at mahigit isang daang tao pa ang nawawala resulta ito sa mga pagguho ng mga lupa sa lugar dulot ng pagmimina at pamumutol ng mga kahoy sa kagubatan.Napakarami na rin ang buhay na nawala dahil sa kanilang agarang pagtutol sa pagmimina ng mga malalaking mining company sa kanilang lugar. Bahagi ito ng mahalgang panawagan ng mga maliliit na minero umaasa lamang sa kanilang lupang sinasaka sa naturang lugar.
Dahil sa pagbibingi-bingian ng pamahalaang aquino, patuloy pa rin ang mga mamamayan sa pagkilos at lumaban upang depensahan ang kanilang mga yutang kabilin. Muling kumilos at naglunsand ang mga community leaders ng “Manilakbayan 2012”. Mahigit pitumpung Indigenous people, peasant leaders ay nakiisa at lumaban maging magbigay ng mahahalagang mensahe at marinig ng pamahalaang aquino lalong lalo na upang atakihin ang mga multi- national mining corporations kasali na dito ang mga berdugong militar na siyang promoprotekta sa mga multi-nationals at sangkot sa mga paglabag ng karapatang pantao.Tungkulin ng gobyerno na siguruhing mabigyan ng agarang hustisya at katarungan ang mga  tagapagtanggol ng inang kalikasan na siyang ipinagkaloob ng Diyos sa mga magsasaka. Tungkulin din ng gobyerno na mabigyan ng agarang hustisya ang mga nagbuwis ng kanilang buhay para sa karapatan ng mamamayang sumsampalataya sa ligtas at kapaki-pakinabang ng kapaligiran.
Ang pagpapanagot sa may mga kagagawan ng pagpaslang at paglabag sa karapatang pantao ay siyang magpapatunay kung seryoso talaga ang pamahalaang aquino sa pangangalaga ng ating inang kalikasan at mamamayan!.
Ang mga taong simbahan ay patuloy na lumalaban at nakikiisa sa tunay na realidad at nangyayari sa kanayunan lalo na ang pagsuporta at tutulan ang mga pagmimina ng mga multi-national corporations at paglabag ng mga berdugong militar sa karapatang pantao.

About these ads